Paano mag-subscribe sa mobile only plan ng Netflix na tag Php149/month?
HomeTechNetflix

Paano mag-subscribe sa mobile only plan ng Netflix na tag Php149/month?

Here is a quick tutorial on how to subscribe to Netflix mobile-only plan which is only for Php149 a month. Read more here.
Netflix Renews One Piece Live Action Series for Season 2
Netflix Releases First Official Trailer for One Piece Live Action Series
Netflix Now Allows You To Logout one of the Users or Devices from Your Account

May mobile plan na ang Netflix at pinakamura sa lahat!

Gusto mo bang mag-subscribe sa Netflix para mapanood mo ang mga sikat at bagong pelikula at series ngunit medyo kapos sa budget o medyo namamahalan sa monthly plan nila na nag-uumpisa sa Php369 kada buwan? Kung ang sagot mo ay oo, may magandang balita ako para sayo! Meron nang mas murang plan ang Netflix para sa mga Filipino subscribers, ito ay ang mobile-only plan na tag Php149 lang ang bayad bawat buwan. Ang maganda pa rito, available na ito ngayon. Paano mag-subscribe? Basahin sa ibaba.

Dahil isa itong pang-smartphone lang na plano o serbisyo, sa cellphone o tablet lang pwede manood. Hindi pwede sa laptop, computer or smart tv. Ang kagandahan pa, lahat ng content na available ngayon sa Netflix Philippines ay pwede mo mapanood, mapa movies man yan, Tagalog or Kdrama series, at maging mga Netflix Original Series, lahat pwede mo idownload o i-stream sa smartphone mo.

Pwede ito sa mga smartphone at tablet na may Android 5 Lollipop o iOS 12 pataas na version.

Paano mag-subscribe?

Una, i-download mo lang ang Netflix mobile app sa Google Play o App Store. O pwede mo ring bisitahin muna ang Netflix website sa computer mo o smartphone para mag-enroll ng account. Tapos mula diyan, sundin mo lang ang mga instruksyon sa screen.

Halimbawa sa Netflix website ka muna magsa-sign up, ilagay mo lang ang email mo sa box tapos i-click ang "try it now" na button.

netflix mobile plan philippines

Sa susunnod naman na screen, piliin ang "mobile", tapos click lang sa continue. Sa susunod naman, kung wala ka pang Netflix account, kakailanganin mong gumawa ng password para sa account mo. Kung meron naman na, ipo-provide mo lang ang password mo. Madali lang.


Pagkatapos, dito mo naman ilalagay ang payment details mo na kung saan pwede kang i-charge ng Netflix kada buwan. Kailangan itong i-provide para makausad ka sa pag rehistro. Credit card details ang kailangan dito. Ngayon, paano kung walang credit card? Pwede ka  rin gumamit ng PayMaya account para magbayad at mag-register.


Kapag nailagay mo na ang billing information mo, gaya ng nasa sa itaas, i-check o tap mo lang yung "I agree" box tapos select Start Membership. Tapos ayun na, pwede ka na mag-umpisang manood ng mga palabas sa smartphone or tablet mo.

May lock-in period ba ito o termination fee kung gusto mo na i-cancel? 

Pagdating naman sa kontrata, wala namang lock-in period. Pero tandaan mo na automatic ka nilang i-chacharge kada buwan. Kung may sapat na balanse ang account mo para sa monthly charge, tuloy tuloy ang pag charge nila at tuloy tuloy naman na pwede ka manood sa Netflix. Kung halibawa namang gusto mo nang itigil o i-cancel ang subscription mo, pwede naman at wala namang karagdagang "termination fee". Siguraduhin mo lang na i-kakansel mo bago ka ulit ma-charge sa susunod na buwan. Punta ka lang sa account settings para i-kansel.

Sa madaling sabi, pwede ka mag-subscribe at mag-cancel kahit anong oras o araw at ang tanging babayaran mo lang ay ang monthly plan at wala nang iba.

Sakali namang nagtataka ka o hindi ka pa aware, streaming access lang ang binabayaran mo rito at hindi pa kasama ang data. Kakailanganin mo ng data o internet connection para makapag stream ng palabas, additional na bayad o gastos yun lalo na kung naka-data ka lang. Pero kung may internet kayo sa bahay, okay na okay na yun. Pwede mo ring i-download sa smartphone mo ang mga palabas na gusto mo para pwede mo silang i-stream habang nasa labas ka ng bahay. Pag downloaded na ang content, walang kaltas yun sa data mo.
Name

a,1,Acer,9,Alcatel,12,AOC,2,Apple,72,AsiaPop,10,Asus,303,Axgon,2,Blackberry,22,Blackview,8,Books,11,BPO,23,Braven,1,Canon,4,Cars,19,Cherry Mobile,153,Christian,4,Cloudfone,16,Concert,8,DC,1,Dell,5,Ding Ding Mobile,5,DisneyPlus,2,DJI,2,e,1,Elephone,1,Entertainment,4,Events,85,Extreme,1,Facebook,42,FireFly,19,Food,65,FoodPanda,2,Fujifilm,1,Game of Thrones,24,Gaming,92,Geeks,351,GigaByte,1,Gionee,7,Globe,85,Google,45,GoTyme,1,Grab,6,Happy Mobile,5,Hillsong,17,Home Credit,8,Honor,69,HP,4,HTC,25,Huawei,237,Iflix,8,Infinix,7,Instagram,2,Itel,1,JBL,7,Jobs,6,Kata,5,Lazada,69,Lenovo,42,LG,76,logitech,2,Marvel,4,Meizu,19,Microsoft,34,Motorola,25,Movies,452,MSI,1,Music,17,MyPhone,72,Narzo,2,Netflix,29,Nexus,1,Nikon,1,Nintendo,27,Nokia,147,Nothing,1,Nubia,1,O+,14,OnePlus,26,Oppo,213,PayMaya,80,Personal,16,Philippines,12,PLDT,10,Poco,8,Pokemon,22,PS5,1,Razer,11,Realme,177,Redmi,17,Samsung,365,Sandisk,2,Seagate,1,Sharp,1,Shopee,62,SKK Mobile,45,Smart,212,Sony,23,Sports,11,Spotify,9,Starbucks,45,Starmobile,47,Sun Cellular,5,Tech,3540,Tecno,6,Tizen,3,Torque,6,Toys,13,Trailers,198,Travel,34,Tutorials,10,TV Series,94,Twitter,14,Unboxing and Reviews,99,Vivo,130,w,1,Wiko,4,Windows,51,Xiaomi,111,Xperia,5,Yamaha,9,ZTE,13,
ltr
item
DUGOMPINOY: Paano mag-subscribe sa mobile only plan ng Netflix na tag Php149/month?
Paano mag-subscribe sa mobile only plan ng Netflix na tag Php149/month?
Here is a quick tutorial on how to subscribe to Netflix mobile-only plan which is only for Php149 a month. Read more here.
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgln89Am3M_GZhyQE9MOeF5wijHbrRxQw_pDjqMgmMJcjGNmqmYbeaQTLac7rlZcwusFpfDKCrQW5CP2XUAm_0eDdXXbj1fFhgOSdQTfTZpxCWSGgc9wQjsfBV0-oSTriFogd9WElcGpe4/s1600-rw/netflix+mobile+only+plan+7.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEgln89Am3M_GZhyQE9MOeF5wijHbrRxQw_pDjqMgmMJcjGNmqmYbeaQTLac7rlZcwusFpfDKCrQW5CP2XUAm_0eDdXXbj1fFhgOSdQTfTZpxCWSGgc9wQjsfBV0-oSTriFogd9WElcGpe4/s72-c-rw/netflix+mobile+only+plan+7.jpg
DUGOMPINOY
https://dugompinoy.blogspot.com/2020/03/netflix-mobile-only-plan-philippines.html
https://dugompinoy.blogspot.com/
https://dugompinoy.blogspot.com/
https://dugompinoy.blogspot.com/2020/03/netflix-mobile-only-plan-philippines.html
true
2611784361054767864
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS PREMIUM CONTENT IS LOCKED STEP 1: Share to a social network STEP 2: Click the link on your social network Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy Table of Content