Kapitan Sino By Bob Ong (book review)

Last week bumili ako ng bagong book ni Bob Ong ang "Kapitan Sino". Ang ganda ng cover, silver. Pang-international bookshelves na rin. :- ). Ito ay tungkol sa isang pinakabagong Pinoy Super Hero, noon. Dahil ang setting ay hindi kasalukuyan, kundi nakaraan, pero hindi sobrang nakaraan. Sa pagkakaunawa ko sa paksa ng librong ito, ito ay tungkol sa pagbibigay ng tulong.



Na kailangan natin tumulong sa mga taong pwede natin tulungan at kung may pagkakataong makatulong. Maliit man o malaki pagtulong pa rin. Hindi na natin kailangan pang maging isang super hero para lang tumulong. Kahit daw ang pagsagip sa langgam sa bingit ng kamatayan ay pagtulong mo pa ring maitatawag.

Para sa akin, this is a good book to read but to be honest I did not enjoy reading this book that much. But I enjoyed it more than reading the "MacArthur" one, the book before this "Kapitan Sino". Kung papipiliin naman ako sa MacArthur at Kapitan Sino kung alin ang mas gugustuhin kong basahin ulit, mas pipiliin ko ang "Kapitan Sino". Mas may sense ang book na to for me.

Although may mga iilang eksena doon na sa tingin ko ay hindi akma o hindi na kailangan sa kwento ramdam ko pa rin ang tema at mga banat ng isang manunulat na Bob Ong. Marami sa mga eksena at mga dialogue ang talagang nag-sink in sa isip ko at mga pagkakataon na bigla na lang akong tatawa dahil sa mga simpleng Bob-Ong-punch-line.

Medyo nabitin lang ako sa librong to, kasi sobrang nipis at liit ng libro para sa ganitong klase ng kwento. Marami sa mga twist sa librong ito ay hindi masyadong naipaliwanag. Like kung bakit may ganito at ganyang tauhan sa libro at kung saan sila nanggaling o nag-originate, o siguro magkakaroon ito ng sequels o prequels para ipaliwanag yung mga ilang bagay dun na hindi masyadong malinaw ang pinanggalingan o bakit sila nagkaganun.

I am hoping that this book will have part 2 and or the next books of Bob Ong will be more elaborative when it comes to characters, scenarios, situations and their origins lalo na pag ganito ang mga tema, fictional.

Ito ang buod ng librong "Kapitan sino" na nakasulat mismo sa likuran ng aklat.

THERE IS SOMETHING STRANGE IN YOUR NEIGHBORHOOD

Naunahan na naman ang mga pulis sa pagtugis sa mga holdaper ng isang jewelry shop. Bago noon, may iba na ring nakahuli sa isang carnaper; sumaklolo sa mga taong nasa itaas ng nasusunog na building; nagligtas sa sanggol na hinostage ng ama; tumulong para makatawid sa kalsada ang isang matanda; tumiklo sa mga miyembro ng Akyat-Bahay; sumagip sa mag-anak na tinangay ng tubig-baha; nag-landing nang maayos sa isang Boeing 747 na nasiraan ng engine; at nagpasabog sa isang higanteng robot. Pero sino ang taong ‘yon? Maililigtas nya ba sila Aling Baby? At ano nga ba talaga ang sabon ng mga artista?

Before I end this little review of mine, let me share you some lines from this book that kept on running on my head until this very moment.

Tungkuling mong tumulong sa kapwa dahil may kakayanan ka at gusto mong tumulong. Pero wag mong kalimutan na hindi mo mababago ang mundo at hindi mo maililigtas ang lahat ng tao. Hindi ikaw ang unang nagtangka… hindi ikaw ang magiging huli… hindi ka solusyon. Pero hindi dahilan yon para mawalan ka ng pag-asa at tumigil sa pagbibigay nito. – Mang Ernesto

Tutulong ka lang sa kapwa… hindi mo kailangan ng pangalan – Aling Hasmin


Ikaw? Handa ka na rin bang maging Kapitan Sino ng Henerasyong ito?

Disclaimer: Lahat ng nakasaad sa taas ay base lamang sa aking sariling opinyon. lahat tayo ay may pakakaiba-ibang pananaw pagdating sa mga bagay-bagay at pwede ring magkakapareho.



Related Post:  May Bagong Book Na Pala Si Bob Ong
Powered by Blogger.