May Libro Na Rin Pala Si Tado?

Malamang sa malamang ay kilala mo kung sino si Tado. Yung komedyanteng may kapayatan na mahaba ang buhok na may suot na malaking salamin. Tignan mo na lang yung pabalat ng libro nya maaalala mo kung sino si Tado. Una pa lang si Tado lumabas sa kapamilya network nagustuhan ko na sya bilang isang komedyante pero bilang isang manunulat? Tignan natin. "May libro na rin pala si Tado?" ang una kong nasambit at tingin ko ikaw rin. Hindi ko pa malalaman kung hindi ko pa napanood yung pinakahuling airing ng It's Showtime nung Friday na kung saan kasama lahat ng mga naging hurado na nagkataon din naman na nandun din siya at hawak-hawak ang kanyang libro, halata kasi mukha nya ang nasa cover gaya ng nasa ibaba.


Sa ngayon hindi ko pa nababasa ito kaya wala pa akong personal ideya kung saan tungkol ang libro. Base sa mga nabasa ko nang mga blog post about dito, may ilang mga hindi natuwa marahil ay nasanay na sila sa mga sulating gaya ng kay Bob Ong o maaaring si Bob Ong na mismo ang basehan ng kanilang pamantayan sa pagsusulat ng aklat, meron ding mga sakto lang daw ang timpla at may ilan din naman na positibo ang pagtanggap sa bagong manunulat. At pinaka-common sa kanilang mga kumento ay maraming typo error ang ang nasabing libro, nasa pagkakamali na siguro yun ng mga editor at hindi na sa nagsulat, dahil naniniwala ako na mas mabilis magproseso ang utak ng tao kaysa sa kanyang mga kamay gaya ng lang ng ibang mga post ko kahit nire-review ko bago i-post may mga nakakalampas pa rin na typo.


Hindi naman ako nageexpect ng malaki kay Tado pero syempre gusto ko pa rin na worth yung pagkakagastusan ko. At mukha namang may mapapala ako sa pagbabasa ko sa aklat nya, kahit konti ok lang, ang bawat tao naman ay may kanya-kanyang pananaw o karunungan na hindi mo basta-basta makukuha kung saan-saan lang. Ang pagbabasa ng akda ng iba ay isang paraan na rin ng pakikinig hindi lang basta pag-aaral o entertainment. Nabalitaan ko rin na meron din daw paunang salita si Ramon Bautista sa aklat na ito, siya yung isa sa mga host ng May Tamang Balita ng NewsTV at madalas mo siyang nakikita sa mga komersyal sa TV at minsan na nyang nakasama si Francis M sa isang TV Ad.

Makabisita nga sa pnakamalapit na bookstore sa lalu't madaling panahon. Napaghahalatang hindi na ako masyadong nagagawi sa mga bookstore. © DugomPinoy

Related Post:
May Bagong Book Na Pala Si Bob Ong?


Powered by Blogger.