Facebook Timeline Becomes Mandatory

Ayon sa Facebook official blog, sa susunod na mga linggo ang lahat ng Facebook users' profile will be mandatory switched to Timeline profile format. Ako at ilan sa mga friends ko ay nakapag-convert na sa Facebook Timeline, ang iba naman ay hindi pa dahil nakikita nilang mukhang mas kumplikado ang Timeline.


Kung wala ka pang masyadong idea kung ano ang Timeline, you can visit Facebook's Introducing to Timeline page. Ang hindi lang nagugustuhan ng karamihan sa Timeline ay yung mas magiging madali na para sa isang Facebook user o friend mo na i-navigate o tignan ang mga previous status updates mo kahit mga ilan buwan o taon mo na itong nai-post. Ang maganda naman ay pwede mo pa rin burahin ang dating photo, video o status updates before your Timeline goes live.


Automatic ang pag update sa Timeline, ano ang gagawin kapag nai-update na sa Timeline ang profile mo? First is you will see or receive a notification that your profile has been changed to Timeline at meron kang pitong araw para i-finalize ang iyong mga current at previous updates, maaaring picture nyu ng ex mo na ayaw mo nang makita ng present mo o mga updates mo na puro di magagandang salita o reklamo ang nilalaman na tuluyan mo nang kinalimutan at ayaw mo nang masulyapan pa ng mga Facebook friends mo o anu pa man yan na nais mong burahin, pwede ring mag-add ng mga previous events or status updates na hindi mo na-ipost sa mga dates na dapat ay nailagay mo. Cool di ba? :-)

Sa loob ng pitong araw na iyon ay yung lumang profile pa rin ang makikita ng mga friends mo. Medyo hirap i-familiarize ang sarili sa una pero gaya ng mga previous updates ng Team ni Mark Zuckerberg e makakasanayan naman natin.

Ang malaking banner sa larawan ay tinatawag na "cover photo" maaari mong ipersonalize yan depende sa trip o personality mo. Kung ma-art ka naman at makwela pwede mo rin paglaruan ang cover photo mo gaya ng mga larawan sa ibaba.


Image Credit: blogmad4flash.com

Powered by Blogger.