It's Official! Puerto Princesa Underground River Is Now One Of The 7 Wonders Of Nature

Matapos ang mahaba-habang proseso at pagsuporta ng bawat Pinoy, pormal nang kinilala ang Puerto Princesa Underground River (PPUR) bilang isa sa "New Seven Wonders of Nature". Pangalawa sa mga nakumpirma kasunod ng Jeju Island ng South Korea. Nitong Sabado Enero 28, 2012 kinumpirma ni Mayor Edward Hagedorn ng Palawan ang nasabing pagkilala.

Image from Faithtolledo.blogspot.com

November ng 2011 nang mapabilang ang PPUR sa listahan ng mga nominado at ito ay nagdaan sa tatlong pagpapatunay o verification process. Bernard Weber, pangulo ng New 7 Wonders na nakabase sa Switzerland announced on January 28, 2012 in a press conference that Puerto Princesa Underground River has been validated and confirmed as one of the New  7 Wonders Of Nature.


Tagumpay ito ng buong Pilipinas dahil na rin sa personal na suporta ng
bawat isa at maging ang pangulong Pnoy ay nagpakita rin ng pakikiisa.
Tiyak na magiging isa na naman itong dahilan para dumagsa ang mga
lokal at banyagang turista sa Palawan.

Panibagong dahilan na naman ito para mapatunayang It's More Fun In The
Philippines talaga. Ang mga Pinoy talaga, basta nagkakaiisa hindi
basta-basta natitinag.
Powered by Blogger.